Wednesday, December 30, 2009

Madaling ibasura...

...ang sinampang kaso ng basurero.

Tuesday, December 29, 2009

Walang corn sa corned beef. Walang dog sa hotdog.

Walang pusa sa pusakal. Walang bibi sa bibingka.

Sunday, December 27, 2009

Kung ang nickname ay palayaw...

...ang long nickname ay laki sa layaw ?

Saturday, December 26, 2009

Bawal daw magsukat ng gown bago ikasal dahil baka di matuloy....

...Kaya wag magsuot ng uniform para hindi matuloy ang klase.

Thursday, December 24, 2009

Mapagbalatkayo

...ang tingin ng lechon sa mga taong kinakain siya.

Pag expired na ang lason...

...iwasan inumin at baka di na mabisa.

Wednesday, December 23, 2009

Ang tubig ay may lakas-tama rin...

... kung galing sa hose ng bombero.

Tuesday, December 22, 2009

Kawayan na kumakaway

...kung tulay, nakahihimatay.

Saturday, December 19, 2009

Kapag bulag nakapatay,

...di pwedeng idahilan na nagdilim ang paningin.

Friday, December 18, 2009

Walang trapik trapik

...sa malakas sa wangwang.

Wednesday, December 16, 2009

Ang pagkaing pasta...

...ay hilig ng mga dentista.

Tuesday, December 15, 2009

Para walang hadlang sa masarap na pagkain...

...hanapin at unahin mong kainin lahat ng paminta sa adobo.

Monday, December 14, 2009

Basta fie, masasarap.

...apple fie, buko fie at wi-fie.

Sunday, December 13, 2009

Basta drayber, sweet lover.

... Basta basurero, ambaho ever ever.

Saturday, December 12, 2009

Thursday, December 10, 2009

Ang kinilaw...

...ay short for kinilig na kalabaw.

Wednesday, December 9, 2009

Ang sea cucumber ba sa Tagalog

...ay pipinong dagat o tingin sa pipino ?

Tuesday, December 8, 2009

Ang nakaupo sa likod ng driver ng jeep

... humandang mapisa pag biglang tigil.