Wednesday, December 30, 2009

Madaling ibasura...

...ang sinampang kaso ng basurero.

Tuesday, December 29, 2009

Walang corn sa corned beef. Walang dog sa hotdog.

Walang pusa sa pusakal. Walang bibi sa bibingka.

Sunday, December 27, 2009

Kung ang nickname ay palayaw...

...ang long nickname ay laki sa layaw ?

Saturday, December 26, 2009

Bawal daw magsukat ng gown bago ikasal dahil baka di matuloy....

...Kaya wag magsuot ng uniform para hindi matuloy ang klase.

Thursday, December 24, 2009

Mapagbalatkayo

...ang tingin ng lechon sa mga taong kinakain siya.

Pag expired na ang lason...

...iwasan inumin at baka di na mabisa.

Wednesday, December 23, 2009

Ang tubig ay may lakas-tama rin...

... kung galing sa hose ng bombero.

Tuesday, December 22, 2009

Kawayan na kumakaway

...kung tulay, nakahihimatay.

Saturday, December 19, 2009

Kapag bulag nakapatay,

...di pwedeng idahilan na nagdilim ang paningin.

Friday, December 18, 2009

Walang trapik trapik

...sa malakas sa wangwang.

Wednesday, December 16, 2009

Ang pagkaing pasta...

...ay hilig ng mga dentista.

Tuesday, December 15, 2009

Para walang hadlang sa masarap na pagkain...

...hanapin at unahin mong kainin lahat ng paminta sa adobo.

Monday, December 14, 2009

Basta fie, masasarap.

...apple fie, buko fie at wi-fie.

Sunday, December 13, 2009

Basta drayber, sweet lover.

... Basta basurero, ambaho ever ever.

Saturday, December 12, 2009

Thursday, December 10, 2009

Ang kinilaw...

...ay short for kinilig na kalabaw.

Wednesday, December 9, 2009

Ang sea cucumber ba sa Tagalog

...ay pipinong dagat o tingin sa pipino ?

Tuesday, December 8, 2009

Ang nakaupo sa likod ng driver ng jeep

... humandang mapisa pag biglang tigil.

Tuesday, November 24, 2009

Thursday, November 19, 2009

Masmadali pumikit na kunwaring tulog,

... keysa dumilat na kunwaring gising.

Monday, November 16, 2009

Ang magtago sa likod ng unan

...ay para lang nilagyan mo ng silencer ang pagsuntok ni Manny Pacquiao sa yo.

Thursday, November 5, 2009

Kung kasalanan kumain ng turon,

...ang tawag ba dun ay sinturon ?

Saturday, October 24, 2009

Pag ang bintana na kaharap ay isa pang bintana...

     ...makakakita ka lang ng iba pag may sumilip rin sa kabila.

Thursday, October 22, 2009

Tuesday, October 13, 2009

Ang utot ay mabaho

...para may kahihiyan ang tao kahit paano.

Monday, October 12, 2009

Aanhin pa ang damo

...kung nagfa-farmtown na ako ?

Monday, October 5, 2009

Kung kaya pumalakpak ang tenga,

hindi ba nakakaduling panoorin yun ?

Saturday, October 3, 2009

Pag ang kamot naudlot,

kamutin kahit tapos na pangangati para makabawi.

Friday, October 2, 2009

Madulas ang putik

Pero kung langgam ka, quicksand yun.

Thursday, September 24, 2009

Sa kasagingan, may saging. Sa katarantaduhan, may tarantado.

Sa kaharian, may hari. Sa kalingkingan, may lingking ?

Ang sa baboy ay sa baboy, ang sa unggoy ay sa unggoy.

Pero may mga taong sadyang napagsasama pagiging unggoy at baboy. Ang tawag dun, babunggoy.

Mahihirapan kang bumulong

...pag masmalakas pa boses mo sa mic.

Friday, September 18, 2009

Ang maglakad ng matulin

... jogger o may matinding pangangailangan pumunta sa banyo.

Tuesday, September 8, 2009

Gutom pa ang mararamdaman mo

...kung relyenong dilis ang kinain mo.

Sunday, September 6, 2009

Kung ang nanay mo ay kabayo at tatay mo ay elepante

...hindi ko alam kung paano ka nakakatype sa keyboard at nakakasurf pa.

Pwede mo piliin ang aalagaan mong hayop.

Pero matakot ka pag pwede kang piliin ng hayop na maging amo.

Saturday, September 5, 2009

Pag binato ka ng tinapay

... sabihin mo isunod ang palaman.

Wednesday, September 2, 2009

Hindi halata pinapawisan ka

...pag nauulanan ka habang lumalangoy.

Paano mo haharapin ang problema

...kung ang problema ay ang iyong mukha.

Masmaganda pa ang fortune cookie na may masamang fortune.

Keysa sa fortune cookie na walang papel man lang... dahil parang wala kang ka fortune-fortune.

Wag kainin ang siomai sa isang subo lang

...pwera lang kung marami pang siomai natitira.

Pag kumukurap-kurap na, malapit na mapundido.

Kaya mahirap malaman kung malapit na mapundido ang Christmas lights.

Ang turnilyo ay parang buhay

...umiikot ngunit minsan nalalaglag, natatapakan, nawawawala at kinakalawang.

Kalat mo, iligpit mo.

...para pwedeng ikalat ulit.

Mahirap saluhin ang papel

...na palipad-lipad pababa mula sa penthouse ng hotel.

Kung ano ang saluhin, yun ang mapapasaiyo.

Kung lapida ang sinalo, derechong libing ang bagsak mo.

Magsalita ng mabagal

...mashalata ang pagkabulol.

Wednesday, August 26, 2009

Kapag gumising at di bumangon

...kapeng mainit o bloke ng yelo ang ibuhos para sigurado.

Monday, August 24, 2009

Monday, August 17, 2009

Kung ang damit ay may mantsa

... pantayan sa pagmantsa ng buong damit para di mahalata

Friday, August 14, 2009

Boy Gago Comics

Ipinakikilala ang Mascot ng Gagong Kasabihan: Boy Gago
(Click comics to enlarge)

Thursday, August 13, 2009

Kapag di ka sigurado sa sagot,

...kembot ka na lang. At least masarap.

Baboyero

...ang tawag sa baboy na nambababae.

Wednesday, August 12, 2009

Masama ang pumatay.

... Kaya ang ilaw, saksakin na lang.

Kapag ang kalye ay naghahati sa dalawa...

...lumipad para makita kung saan sila pareho papunta.

Para matuto magnakaw ng halik

...kelangan isipin pano magnakaw ng ngiti.

Monday, August 10, 2009

May tatlong klaseng tao sa mundo, ang manloloko, ang nagpapaloko,

.. at ang nanonood lang sa mga manloloko na niloloko ang naloko.

Ituro mo kung ano ang mahalaga sa iyo...

... at ituturo ko sayo pano maglaro ng pusoy dos.

Saturday, August 8, 2009

Ang wacky pose

...ay tagapantay ng pangit at maganda.

Thursday, August 6, 2009

Wednesday, August 5, 2009

Pag lumalangoy ka...

...sumisid ka na lang pag umulan para di mabasa.

Sunday, August 2, 2009

Ang taong adik sa texting,

...masmahalaga pa ang 100 free text in a day, keysa bigyan mo siya ng hamburger.

Thursday, July 30, 2009

Kapag sobrang gutom, nakakapanghina.

Kapag sobrang busog, nakakapanghina pa rin.

Wednesday, July 29, 2009

Kailangan mahusay sumalo ng bola

...para maging isang magiting na mambobola.

Tuesday, July 28, 2009

Kapag mabagal maglakad nasa harapan mo,

... unahan mo tapos bagalan mo lalo sa harapan niya para maramdaman niya naramdaman mo.

Saturday, July 25, 2009

Kahit anong ganda ng pangalan mo,

...pag dinugtungan mo ng apelyidong "de la Potpot", sasagwa siya.

Wednesday, July 22, 2009

Pagdinoble, mas may dating:

nognog, daldal, hadhad, neknek, bobo, bokbok.

Sunday, July 19, 2009

Kapag may gustong sumingit sa pila,

...sabihin mo, ayaw nung nasa likod mo, para di sasama loob sayo.

Ang pikon, laging talo.

Ang pikon na panalo, malakas mangalaksa at nahihirapan maging humble.

Friday, July 17, 2009

Kapag nagugulat ka sa multo, daga at kidlat,

.. . pataykambata ka kung harapin ka ng multong daga singbilis ng kidlat.

Mapapatunayan mong di ka sosi

... pag uminom ka ng softdrinks sa plastic na may istraw.

Wednesday, July 15, 2009

Kung ayaw kang paniwalaan na hulog ka ng langit,

...para mo na rin sinabing may ipis na malambing, at langaw na masunurin.

Kung matutulog ka ng isang oras lang,

...ifast-forward mo yung panaginip para di bitin.

Ang magbasa habang nakatingin sa salamin ay kahanga-hanga.

Ang magbasa ng menu na nakabaligtad, ay katanga-tanga.

Pag gusto mo matulog nang may challenge,

...sa ilalim ng matress ka sumiksik para magmukhang palaman sa sandwich.

Kapag kulang sa pansin,

...magmukhang tanga ang pinakamabilis na mapansin.

Friday, July 10, 2009

Maliit man o malaki

pagnasundot mata, mahapdi pa rin.

Wednesday, July 8, 2009

Kung hindi magising sa kapeng mainit

... ibuhos sa sarili at tumabi sa puno ng hantik.

Kapag kulot, salot.

... Kapag utot, saluyot (ang kinain).

Tuesday, July 7, 2009

Ang kumindat sa isang mata, nakakaakit.

... Pag pinagsabay ang mata, mukhang adik.

Monday, July 6, 2009

Walang ititira, lahat uubusin

...yan ang motto ng giyera at popcorn.

Saturday, July 4, 2009

Kung ano ang puno

... siya rin mabunganga.

Ang malaking tiyan

... natatakpan pag nakatalikod.

Ang longganisang bonggang bongga

... hahamahkin lahat masunod ka lamang.

Friday, July 3, 2009

Ang pagsisigaw

... ay walang bisa kung langgam ang sinisigawan mo.

Thursday, July 2, 2009

Para tumangos ang ilong

...pilitin magkaroon ng higanteng tigyawat sa dulo.

Wednesday, July 1, 2009

Pag masyadong matagal biyahe ng elevator na pababa

...siguraduhin mo may pinindot ka at baka impyerno ang hintuan niya pagbukas.

Tuesday, June 30, 2009

Pag torpe

kelangan magdouble time ang grasya.

Monday, June 29, 2009

Ang kumamot ay nakakaadik

...ang mangulangot ay nakakadiri.

Saturday, June 27, 2009

Kung pera ang pinapangsulat mo

... akin na yan at papalitan ko na lang ng papel.

Friday, June 26, 2009

Ang kusina na walang pagkain

... ay parang beach na walang buhangin.

Thursday, June 25, 2009

Kung gusto mo ng matinding hamon,

... uminom ka ng pampatulog ngunit labanan mo antok.

Inasal na almusal

... ay parang wasabi sa tanghali.

Wednesday, June 24, 2009

Wag magsinungaling magsabi ng edad

...humataw sa pagsayaw para mapagkamalamn bata pa.

Tuesday, June 23, 2009

Monday, June 22, 2009

Masama ang dugo mo

kapag pati lamok, inayawan kagatin braso mo.

Sunday, June 21, 2009

Wag magtiyaga sa imposible

... na hanapin ang nahulog na dinuguan sa putikan.

Saturday, June 20, 2009

Kumain ka ng maluwalhati

... wag paginitan ang tinidor hanggang dulo ay mabali.

Friday, June 19, 2009

Igalang ang katabi

.. kaya sa sinehen, takpan ng panyo ang bibig pagkinagat ang chicharon.

Thursday, June 18, 2009

Panaginip na napakaganda

...ay dahilan para patayin ang alarm clock at matulog ulit.

Ang buhay ay masalimuot

...kapag ang pusa'y kumagat at aso ang kumalmot.

Kahit anong takbo mo

... wala kang mararating pag nasa loob ka ng MRT.

Tuesday, June 16, 2009

Wag mong hintayin unahan ka...

...ng pinulikat na pagong. Nakakahiya !

Saturday, June 13, 2009

Wednesday, June 10, 2009

Tuesday, June 9, 2009

Bintanang maliit, konting masisilip.

.. bintanang higante, mahuhulog ang sumisilip.

Monday, June 8, 2009

Iwasan tumingala at ngumanga ng basta basta

... baka isipin kang kuweba ng ibon at iputan ka.

Saturday, June 6, 2009

Pantay-pantay lahat ng tao

...kung titingnan mo galing eroplano.

Friday, June 5, 2009

Thursday, June 4, 2009

Mga matalinhagang salita, ipalaganap.

...bochichang chi chiri kong tong nang butsekik

ek-ek-ek (ek-ek-ek)

Wednesday, June 3, 2009

May liwanag sa hinaharap

... lalo na pag sinilawan ka ng flashlight ng usher sa sinehan.

Monday, June 1, 2009

Ang taong masaya

... okey lang lumawit dila.

Sampung mga dailiri, kamay at paa

... hindi ito papansinin pag mabahong hininga.

Kapag may bukas, may pag-asa

... kapag may kahapon, lumampas na.

Sunday, May 31, 2009

Kapag tumino pustiso

...wala ka nang magagawa kundi sundin 'to.
- (Donna Cruz)

Ang natutulog na hipon

... ay walang kamalay malay paano namatay pag niluto.

Ang magkaaway, ipagbati

...ay ikakabagsak ng sa pula't sa puti.

Saturday, May 30, 2009

Ang pagiging matipid

... ay di counted kung batterylife ng celphone mo ang tinitipid mo.

Ang bata ay di marunong magsinungaling

...kaya't kung tawagin kang pangit, tanggapin mo na lang.

Sabihin mo kung sino mga kaibigan mo

...at sasabihan ko silang lahat idagdag ako sa facebook ko.

Friday, May 29, 2009

Huwag magtago sa dilim

...kung ika'y sadyang maitim.

Thursday, May 28, 2009

Ang taong makulit

...ay mahilig kantahin ang parehong kanta paulit-ulit.

Huwag mong isipin sikat ka

...kahit maging kakilala mo ang kababata ng kapitbahay ng pinsan ng tita ng kaibigan ni Aga Muhlach.

Ang biyaya ay sunod-sunod na dumarating

...kapag bottomless iced tea ang inumin.

Mahirap magwalis

kapag sumabog ang mais.

Kapag may gusot

... hatakin na lang pagsuot.

Magbigay ng walang kapalit

...lalo na kung labada mo gabundok sa dami.

Bato bato sa langit

...pag umulan, parang machine gun.

Wag magtiwala

.. kapag may bitbit na alagang arowana.

Ang may sayad

...di nag-aabot ng bayad.

Maasim na mukha

...sa datu puti sumikat.

Kapag masyadong luho ang hinahangad

...sa presinto ka na lang magpaliwanag.

Ang balitang ewan

ay parang tsismosong bulag.

Maaamoy mo lang ang mabangong bulaklak

kapag nabanguhan ka sa isdang bilasa.

Ang paninirang puri

dapat magmaselang bahaghari.

Bago mo pansinin ang baho ng iba

... ihanda ang ilong sa mabahong hininga.

Kung walang tiyaga

...walang maning nilaga.

Wala ka nang magagawa

...kapag ang wrongsend ay naipadala mo agad.

Wednesday, May 27, 2009

Magbabalik loob ka sa Kanya

..kapag napasigaw ka sa tumatakbong daga.

Mapanganib

...ang pawis at amoy araw na magkasanib.

Kahit halimaw

...mahihirapan hawakan ang mainit na siopao.

Makakarating ka sa paroroonan

...kahit sumakay kang nakatalikod ka unahan.

Palaging buhay ang anino

... ng laseng na tambay maghapon sa kanto.

Monday, May 25, 2009

Salamat Sa Pagdalo !

Salamat sa pagbisita sa pinakabagaong, pinakagagong, pinakainaabangan at pinakawalang kwentang blog na ito !   Kung ikaw ay napadpad dito, hindi ibig-sabihin na gago o gaga ka.  Ibig sabihin lang ay may hinahanap ka malamang na kagaguhan kaya ka nakarating dito.

Ang blog na ito ay itinayo para magbigay ng mga matatalinhagang mga kasabihan, na maari mong gamitin para matawag kang "gago".  Kaya kung yun ang gusto mo, halina't makisaya sa Gagong Kasabihan. 

Ngayon pangalan lamang, sa hinaharap, magiging alamat !

Ibookmark mo na ito para di ka namin malilimutan.  Ay teka, malay ba namin kung nabookmark mo kami !  Para sa inyong kapakanan pala yun.   Kung gusto nyo magparamdam, parang awa nyo na at magiwan ng mga komento sa baba.  

Halina't makisaya !