Ang maglakad ng matulin

... jogger o may matinding pangangailangan pumunta sa banyo.

Sa baraha, pula at itim. Sa sabong, sa pula o puti. Sa ngipin, puti o dilaw.

Wala lang. Makulay ang buhay.

Wag kainin ang siomai sa isang subo lang

...pwera lang kung marami pang siomai natitira.

Pag kumukurap-kurap na, malapit na mapundido.

Kaya mahirap malaman kung malapit na mapundido ang Christmas lights.

Sa group pic, sadyang mahirap ngumiti

... pag ambaho baho ng katabi.

Ang turnilyo ay parang buhay

...umiikot ngunit minsan nalalaglag, natatapakan, nawawawala at kinakalawang.

Ang apples at oranges, tubig at langis,

...ay pwede magsama sama pag salad.

Kalat mo, iligpit mo.

...para pwedeng ikalat ulit.

Mahirap saluhin ang papel

...na palipad-lipad pababa mula sa penthouse ng hotel.

Kung ano ang saluhin, yun ang mapapasaiyo.

Kung lapida ang sinalo, derechong libing ang bagsak mo.

Magsalita ng mabagal

...mashalata ang pagkabulol.