GK Season Two!

RETURN OF THE COMEBACK!
Umaariba na ulit kami!

Biruin nyo, sampung taong nakalipas nung naging finalist sa Humor Category ng 2010 Philippine Blog Awards ang Gagong Kasabihan! Oo, walang biro nga!

Patay na yung website ng Philippine Blog Awards, at ito na lang ang tanging alaala namin, isang napakaliit na thumbnail. Basta maniwala na lang kayo sa amin, na naging finalist kami. Tanong nyo pa yung nanalo. Kaya lang baka di na niya maalala. Kami rin, di maalala sino nanalo.

Anong latest? Balik na kami sa pagupdate ng Gagong Kasabihan at ngayon dahil Season Two na (as if nagka-Season One tayo), meron tayong bagong pakulo.

Pinakikilala namin ang "Tagpi Tula." Ito ay mga tula na hango sa samu't saring mga kanta at pinilit na pagtagpiin. Umaasa kaming may saysay, pero dahil GK ito, malamang, wala. Kung makarelate ka, ayos! Kung sumakit bangs mo, wag magpagupit. Basa lang ulit. 

Tapos na intro namin, kaya umpisahan na!

GK SEASON TWO. Start na!








 

No comments

Powered by Blogger.