Kung may kulay ang utot,

di na pwedeng magmistulang inosente pag may nagpasabog ng lagim.

Mas ok pa rin ang manalo ng prepaid card na P1,000.

keysa manalo ng libreng load na may halagang P10 million pero consumable within a day (at bawal mag-pasa load).

Itapon ang unang tabo pag malamig ang tubig pampaligo sa umaga.

Kung malamig pa rin, itapon ang tubig ng timba sa sarili at sabayan ng kumukulong tubig sa sa kabila.

Pag mali ang naging prediction mo,

itama ang sabihin at tawagin siyang postdiction.

Kung gusto mong galitin ang jeepney driver,

magbayad ka ng isang libong bill at sabihin mo dyan ka lang sa sunod na kanto bababa.

Never na mangangamoy yosi ang kili-kili

pwera lang kung dun mo iipitin ang sigarilyo at kaya niya ihipan yun.

Hindi lahat ng butas pagtinakpan ay nag-iiba.

Limang sentimo pa rin ang limang sentimo, kahit takpan mo pa ang butas niya.

Nakakamiss kausapin ang mga kaibigan mo.

Pero kung namimiss mo kausapin ang sarili mo, baka kailangan mo magpatingin.

Wag husgahan ang tao

sa tono ng utot.
(Dahil hindi lahat ng umuutot, may tunog).

Kung nahihilo ka

umikot kang pabaligtad sa direksyon ng hilo mo para mabalance.

Para malaman mo alin ang patak ng ulan at pawis sa katawan mo,

tikman mo.  Pag maalat, pawis yun. Pag konti lang alat, naghalo na yung pawis at ulan dun.

Wala kang ikakalamang

kung masmarami ng isang pirasong sago ang halo-halo mo.

Kung ang apelyido mo ay "Silog"

...wag na wag nyo ipanagalan mga anak nyo na Tap, Long, Cheek, Ispam, Hat, Fork, Tox, at Bangs.

Wag Ipangalan sa Mga Anak Nyo:

  • Last Name: Cruz; First Name: Beeto 
  • Last Name: Derya ; First Name: Karin
  • Last Name: Miltogo ; First Name: Bento (kapatid ni Valyo)
  • Last Name: Lele ; First Name: Yoko
  • Last Name: Guwan ; First Name: Dino

Hindi lahat ng marunong gumiling...

...ay marunong magluto ng giniling.

Ang kaaway ay parang fishball.

Masarap iluto sa kumukulong mantika, tuhugin ng stick, lagyan ng tamis-anghang, punitin gamit ngipin, nguyain ng pira-piraso at lunukin ng walang kalaban-laban.

Ang buhay ay parang bola...

... nasisipa at pinagpapasahan, pero ikaw ang star dahil tinitingnan ng lahat.

Kung ang 3-in-1 ay, instant coffee, cream & sugar,

...siguro ang 4-in-1 ay may kasamang hot water, at 5-in-1 ay may kasamang iinom na nung kape.

Di mo alam san galing ang basa...

kapag pinagpapawisan ka habang naliligo tapos bigla kang bumahing.

May tatlong klaseng tao sa mundo...

...ang nanggogoyo, ginogoyo, at ang nagsusulat tungkol sa mga goyo.

Nasa isang masikip na lugar ka...

... kapag pinagpapawisan ka at sa sobrang sikip, wala kang magawa kundi panoorin siyang tumulo sa mukha mo.

Kapag nagpagawa ka ng napakaraming kopya ng ID picture

... ibig-sabihin nun, may balak kang magpabata tuwing kelangan magbigay ng ID pic.

Pag makati ang braso, kinakamot.

Pag makati ang ulo at kinamot, nagmumukhang di mo alam ang sagot.

Gagong Tongue Twister:

Kuya Kiko kikilalanin at kikindatan ang katiting na kikiam sa kikoman.

Gagong Tongue Twister:

Sinigang na sisig siniguradong sinisid ng simpatikong sisiw.

Iwasan umutot sa eroplano...

...bago palang lilipad dahil sasama ang tingin sa yo ng mga katabi mo sa kahabaan ng byahe.

Kung anong meron ka at wala ako...

...pag doble ng meron ka, wala pa rin ako.

Kung gusto mong maramdaman na maswerte ka...

...amuyin mo kili-kili mong pinawisan at magpasalamat na di ka nakatira dun.

Kung desidido ang langgam...

... pupuntahan pa rin niya ang asukal kahit pinapaligiran ng wasabe.

Ang magdilig ng halaman sa mga dahon niya...

...ay parang nagpaypay ng nilulutong barbeque papunta sayo pero bawal tumikim.

Ang sukatan ng kahabaan ng ilong...

... ay kung yun ang unang tumatama pag sumalpok ang mukha sa pader.

Kung gusto mong galitin ang jeepney driver...

...magbayad ka ng isang libong bill at sabihin mo dyan ka lang sa susunod na kanto bababa.