Kapag nagpagawa ka ng napakaraming kopya ng ID picture

... ibig-sabihin nun, may balak kang magpabata tuwing kelangan magbigay ng ID pic.

Pag makati ang braso, kinakamot.

Pag makati ang ulo at kinamot, nagmumukhang di mo alam ang sagot.

Gagong Tongue Twister:

Kuya Kiko kikilalanin at kikindatan ang katiting na kikiam sa kikoman.

Gagong Tongue Twister:

Sinigang na sisig siniguradong sinisid ng simpatikong sisiw.

Iwasan umutot sa eroplano...

...bago palang lilipad dahil sasama ang tingin sa yo ng mga katabi mo sa kahabaan ng byahe.

Kung anong meron ka at wala ako...

...pag doble ng meron ka, wala pa rin ako.

Kung gusto mong maramdaman na maswerte ka...

...amuyin mo kili-kili mong pinawisan at magpasalamat na di ka nakatira dun.

Kung desidido ang langgam...

... pupuntahan pa rin niya ang asukal kahit pinapaligiran ng wasabe.

Ang magdilig ng halaman sa mga dahon niya...

...ay parang nagpaypay ng nilulutong barbeque papunta sayo pero bawal tumikim.

Ang sukatan ng kahabaan ng ilong...

... ay kung yun ang unang tumatama pag sumalpok ang mukha sa pader.