Ang taong makulit

...ay mahilig kantahin ang parehong kanta paulit-ulit.

Huwag mong isipin sikat ka

...kahit maging kakilala mo ang kababata ng kapitbahay ng pinsan ng tita ng kaibigan ni Aga Muhlach.

Ang kumapit sa patalim

ay ikakamatay ng butiki.

Ang biyaya ay sunod-sunod na dumarating

...kapag bottomless iced tea ang inumin.

Mahirap magwalis

kapag sumabog ang mais.

Kapag may gusot

... hatakin na lang pagsuot.

Magbigay ng walang kapalit

...lalo na kung labada mo gabundok sa dami.

Bato bato sa langit

...pag umulan, parang machine gun.

Walang lasa ang buhay

...sa tinustang siomai.

Ang taong sabihan ng gwapo na madaling napapaniwala

...sadyang gustong magpabola.

Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika

.. bumubuka-bukaka.

Walang mahirap na gawa

...kapag nautos mo na.

Wag magtiwala

.. kapag may bitbit na alagang arowana.

Ang may sayad

...di nag-aabot ng bayad.

Maasim na mukha

...sa datu puti sumikat.

Kapag masyadong luho ang hinahangad

...sa presinto ka na lang magpaliwanag.

Ang balitang ewan

ay parang tsismosong bulag.

Maaamoy mo lang ang mabangong bulaklak

kapag nabanguhan ka sa isdang bilasa.

Ang paninirang puri

dapat magmaselang bahaghari.

Ang maglakad ng matulin

... masarap panoorin.

Kung may isinuksok

...mapusok.

Bago mo pansinin ang baho ng iba

... ihanda ang ilong sa mabahong hininga.

Kapag maikli ang kumot

...wag kumamot.

Kung walang tiyaga

...walang maning nilaga.

Wala ka nang magagawa

...kapag ang wrongsend ay naipadala mo agad.

Salamat Sa Pagdalo !

Salamat sa pagbisita sa pinakabagaong, pinakagagong, pinakainaabangan at pinakawalang kwentang blog na ito !   Kung ikaw ay napadpad dito, hindi ibig-sabihin na gago o gaga ka.  Ibig sabihin lang ay may hinahanap ka malamang na kagaguhan kaya ka nakarating dito.

Ang blog na ito ay itinayo para magbigay ng mga matatalinhagang mga kasabihan, na maari mong gamitin para matawag kang "gago".  Kaya kung yun ang gusto mo, halina't makisaya sa Gagong Kasabihan. 

Ngayon pangalan lamang, sa hinaharap, magiging alamat !

Ibookmark mo na ito para di ka namin malilimutan.  Ay teka, malay ba namin kung nabookmark mo kami !  Para sa inyong kapakanan pala yun.   Kung gusto nyo magparamdam, parang awa nyo na at magiwan ng mga komento sa baba.  

Halina't makisaya !